Lunes, Disyembre 19, 2011

"Taboo Beauty"







            Matapos kong mapanood ang dokumentaryong ito ay nalaman ko na maraming mga tao sa mundo na handang gawin ang lahat o handang masaktan upang makamit lamang ang tinatamasang kagandahan, tulad ng pagsasagawa ng operasyon upang mabago ang itsura, at ang pagbabawas ng timbang.
            Isa sa mga tumatak na kwento saakin noong mapanood ko ang dokumentaryong ito ay ang kwento nang  isang bakla na gustong magkaroon ng mukha ng isang tunay na babae, Dahil dito pumunta sya sa thailand upang isagawa ang operasyon, matapos nang ilang beses na konsultasyon sa mga Doctor upang malaman kung ano ang dapat baguhin sa kanyang mukha upang mgmukhang  isang tunay na babae, at matapos nang ilang mga pag-eksamin sa kanya, sa wakas dumating na din ang araw na s'ya ay ooperahan. Matapos ang operasyong ito ay nagmukha s'yang nanggaling sa malalang aksidente dahil sa pamamaga ng kanyang buong mukha at nababalot pa nang benda ang kanyang ulo. matapos ng dalawang buwang pagpapagaling mula sa operasyon, s'ya ay naging masaya sa naging malaking pagbabago sa kanyang sarili, tumaas ang kumpiyansa n'ya sa kanyang sarili.
                  Ngunit hindi lahat nang mga sakripisyong ito ay nagiging maganda ang resulta gaya nang sinapit ng isang dating aktres at modelo na si Isabelle Karo.

Makikita sa ibaba ang larawan ni Isabelle Caro bago at matapos gupuin ng sakit na Anorexia:








            Makikita natin  sa larawang ito kung gaano kalala ang sakit na Anorexia na lubusang nakapagpabago sa buong pagkatao ni Isabelle, hindi ito isang ordinaryong sakit ito ay isang sakit na habang-buhay na dadalhin ng isang taong may kaparehas na karamdaman. Ang pagkakaroon ni Isabelle ng  sakit na Anorexia ay nakuha n'ya di umano sa kanyang pagkabata, dahil ang kanyang ina ay may "Phobia" sa pagtangkad, sinubaybayan nito ang kanyang paglaki sa pamamagitan ng madalas na pagsukat nang kanyang taas. Kumpara sa mga naging buhay ng ibang mga bata ibang iba ang naging buhay ni Isabelle hindi s'ya nakakalabas ng bahay upang maglaro dahil may kasabihan noon na nakakapag-patangkad daw ang hangin sa labas ng bahay.

             Si Isabelle ay dalawamput pitong taong gulang noong kinunan ang litratong ito, ngunit kung pagmamasdan natin ang larawang ito aakalain nating triple ng kanyang edad ang totoong edad n'ya, at ni hindi na din s'ya makilala dahil sa kanyang sobrang kapayatan. Si Isabelle ay naglakas ng loob na magpakuha ng ganitong letrato upang maalarma ang mga kababaihan na may masamang maidudulot ang labis na pagbabawas ng kanilang mga timbang.

            Para sa akin hindi masama ang mga ginagawang sakripisyo ng ilan sa atin upang gumanda, bastat ito ay hindi makakasama para sa atin, at mas maganda na ding maging kontento nalang tayo sa kung ano ang ibinigay sa atin ng ating panginoon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento