Lunes, Disyembre 19, 2011

"Taboo Beauty"







            Matapos kong mapanood ang dokumentaryong ito ay nalaman ko na maraming mga tao sa mundo na handang gawin ang lahat o handang masaktan upang makamit lamang ang tinatamasang kagandahan, tulad ng pagsasagawa ng operasyon upang mabago ang itsura, at ang pagbabawas ng timbang.
            Isa sa mga tumatak na kwento saakin noong mapanood ko ang dokumentaryong ito ay ang kwento nang  isang bakla na gustong magkaroon ng mukha ng isang tunay na babae, Dahil dito pumunta sya sa thailand upang isagawa ang operasyon, matapos nang ilang beses na konsultasyon sa mga Doctor upang malaman kung ano ang dapat baguhin sa kanyang mukha upang mgmukhang  isang tunay na babae, at matapos nang ilang mga pag-eksamin sa kanya, sa wakas dumating na din ang araw na s'ya ay ooperahan. Matapos ang operasyong ito ay nagmukha s'yang nanggaling sa malalang aksidente dahil sa pamamaga ng kanyang buong mukha at nababalot pa nang benda ang kanyang ulo. matapos ng dalawang buwang pagpapagaling mula sa operasyon, s'ya ay naging masaya sa naging malaking pagbabago sa kanyang sarili, tumaas ang kumpiyansa n'ya sa kanyang sarili.
                  Ngunit hindi lahat nang mga sakripisyong ito ay nagiging maganda ang resulta gaya nang sinapit ng isang dating aktres at modelo na si Isabelle Karo.

Makikita sa ibaba ang larawan ni Isabelle Caro bago at matapos gupuin ng sakit na Anorexia:








            Makikita natin  sa larawang ito kung gaano kalala ang sakit na Anorexia na lubusang nakapagpabago sa buong pagkatao ni Isabelle, hindi ito isang ordinaryong sakit ito ay isang sakit na habang-buhay na dadalhin ng isang taong may kaparehas na karamdaman. Ang pagkakaroon ni Isabelle ng  sakit na Anorexia ay nakuha n'ya di umano sa kanyang pagkabata, dahil ang kanyang ina ay may "Phobia" sa pagtangkad, sinubaybayan nito ang kanyang paglaki sa pamamagitan ng madalas na pagsukat nang kanyang taas. Kumpara sa mga naging buhay ng ibang mga bata ibang iba ang naging buhay ni Isabelle hindi s'ya nakakalabas ng bahay upang maglaro dahil may kasabihan noon na nakakapag-patangkad daw ang hangin sa labas ng bahay.

             Si Isabelle ay dalawamput pitong taong gulang noong kinunan ang litratong ito, ngunit kung pagmamasdan natin ang larawang ito aakalain nating triple ng kanyang edad ang totoong edad n'ya, at ni hindi na din s'ya makilala dahil sa kanyang sobrang kapayatan. Si Isabelle ay naglakas ng loob na magpakuha ng ganitong letrato upang maalarma ang mga kababaihan na may masamang maidudulot ang labis na pagbabawas ng kanilang mga timbang.

            Para sa akin hindi masama ang mga ginagawang sakripisyo ng ilan sa atin upang gumanda, bastat ito ay hindi makakasama para sa atin, at mas maganda na ding maging kontento nalang tayo sa kung ano ang ibinigay sa atin ng ating panginoon.

Huwebes, Disyembre 15, 2011

"Mga Negatibong Epekto ng "Divorce" sa mga Kabataan"

                  Ano nga ba ang "Divorce"? Ang divorce ay ang legal na proseso ng pagsasawalang bisa ng kasal. Ito  ay ipinatutupad na sa madaming bansa tulad ng bansang Amerika, japan, china, at iba pa. Ngunit sa isang konserbatibong bansa tulad nang Pilipinas  mahigpit itong tinututulan lalo na ng simbahang Katoliko. Handa na ba tayong sumabay sa mga ganitong pagbabago? At ano naman kaya ang magiging epekto nito sa mga kabataang Pilipino na lubos na maaapektohan ng paghihiwalay nang kanilang mga magulang.
                   Ang dapat siguro muna nating bigyan ng pansin o dapat isaalang- alang sa pagpasa ng batas na ito, ay kung ano ang magiging epekto nito sa mga kabataang may karapatang magkaroon ng buo at masayang pamilya. Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto ikinumpara nila ang mga batang galing sa nasirang pamilya at ang mga batang galing sa buo at masayang pamilya, lumabas sa kanilang pag-aaral na ang karamihan ng mga batang nanggaling sa nasirang pamilya ay mas nagkakaroon ng madaming problema tulad nang pagkakaroon ng problema sa eskwelahan, sa ugali, nagkakaroon nang negatibong pananaw sa buhay, at pagkakaroon ng problema sa pakikitungo sa kanilang mga magulang, isa lamang ang mga ito sa mga maaaring maging epekto sa mga kabataan dulot nang pagkakaroon ng  sirang pamilya.
                   Kung maaaprubahan ang divorce sa Pilipinas ay dapat maging responsable ang mga magulang sa kanilang mga anak kahit sila ay hiwalay na, kailangang ipaintindi nilang mabuti sa mga bata kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay upang maiwasan ang pagrerebelde nang mga ito, at kailangang mas magabayan ang mga ito hanggang sa kanilang paglaki upang maiwasan ang pagkasira nang kanilang  buhay. Ang divorce ay hindi makakasama sa atin bastat maging responsable lang tayo sa ating ginagawa.


                 

Huwebes, Disyembre 1, 2011

"Buhay Mag-aaral"

            Halos karamihan sa atin ay naranasan ang maging isang mag-aaral o estudyante, ngunit kapag tinanong ang bawat isa sa atin kung ano nga ba talaga ang buhay nang isang estudyante my nagsasabing mahirap, may nagsasabi din namang ito ang pinakamasayang yugto ng buhay ng isang tao. Kung hihingiin ang depinisyon  ng bawat isa ukol dito ay ang depinisyon nila ay nababatay sa kung ano man ang naranasan nila noong mga panahong sila ay estudyante pa, magandang karanasan man ito o hindi.
             Kung ako ang tatanungin kung ano nga ba ang buhay bilang isang mag-aaral ay, sasagutin ko ito batay din sa aking naging karanasan bilang isang estudyante. Bilang isang estudyante masasabi kong mahirap at masaya ang yugtong ito, mahirap sapagkat mararanasan mong hindi matulog ng ilang gabi dahil sa kakalaro ng DOTA kahit na may pagsusulit, at hindi mapigilang pag FACEBOOK kahit na may mga proyekto na dapat ipasa sa takdang oras, mararanasan mo ding magkaroon ng isang gurong napakasungit dahil s iyong katamaran , at higit sa lahat mahirap tanggapin na babagsak ka sa isang asignatura kahit ginawa mo na ang lahat nang diskarte upang makapangopya sa iyong katabi matapos mangalay ang iyong leeg dahil sa paghaba makita lamang ang sagot ng iba yun pala ang nakopyahan mo ay isang manghuhula,, kay saklap nga namang kapalaran uulit nanaman,,tsk,tsk,, :(
                 Masaya naman dahil madami kang bagong makikilalang kaibigan, bagong inspirasyon, kahit hanggang tingin ka lang ayos na. At ang pinakamasaya sa lahat palagi kang may sideline dahil sa mga kunyaring proyekto, at mga bayarin sa eskwelang ikaw lang ang nakakaalam. Ito ang buhay estudyante! hahaha :)