Huwebes, Disyembre 15, 2011

"Mga Negatibong Epekto ng "Divorce" sa mga Kabataan"

                  Ano nga ba ang "Divorce"? Ang divorce ay ang legal na proseso ng pagsasawalang bisa ng kasal. Ito  ay ipinatutupad na sa madaming bansa tulad ng bansang Amerika, japan, china, at iba pa. Ngunit sa isang konserbatibong bansa tulad nang Pilipinas  mahigpit itong tinututulan lalo na ng simbahang Katoliko. Handa na ba tayong sumabay sa mga ganitong pagbabago? At ano naman kaya ang magiging epekto nito sa mga kabataang Pilipino na lubos na maaapektohan ng paghihiwalay nang kanilang mga magulang.
                   Ang dapat siguro muna nating bigyan ng pansin o dapat isaalang- alang sa pagpasa ng batas na ito, ay kung ano ang magiging epekto nito sa mga kabataang may karapatang magkaroon ng buo at masayang pamilya. Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto ikinumpara nila ang mga batang galing sa nasirang pamilya at ang mga batang galing sa buo at masayang pamilya, lumabas sa kanilang pag-aaral na ang karamihan ng mga batang nanggaling sa nasirang pamilya ay mas nagkakaroon ng madaming problema tulad nang pagkakaroon ng problema sa eskwelahan, sa ugali, nagkakaroon nang negatibong pananaw sa buhay, at pagkakaroon ng problema sa pakikitungo sa kanilang mga magulang, isa lamang ang mga ito sa mga maaaring maging epekto sa mga kabataan dulot nang pagkakaroon ng  sirang pamilya.
                   Kung maaaprubahan ang divorce sa Pilipinas ay dapat maging responsable ang mga magulang sa kanilang mga anak kahit sila ay hiwalay na, kailangang ipaintindi nilang mabuti sa mga bata kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay upang maiwasan ang pagrerebelde nang mga ito, at kailangang mas magabayan ang mga ito hanggang sa kanilang paglaki upang maiwasan ang pagkasira nang kanilang  buhay. Ang divorce ay hindi makakasama sa atin bastat maging responsable lang tayo sa ating ginagawa.


                 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento